Skip to main content

Ang Kargador Book 2 EPILOGUE

 Ang Kargador Book 2 Epilogue
By : Android17
 
Di pa rin ako makapaniwala na nasa aking harapan ang isang tao sa aking nakaraan. Walang iba kung hindi si Mr Choi. Akala ko ay namamalikmata lamang ako ngunit hindi. Totoong narito siya sa aking harapan. Iba’t ibang emosyon ang aking nadarama sa muli naming pag haharap
 
‘’ Garo, tulungan mo akong isakay sa sasakyan itong kasama mo ‘’ kanyang bulyaw sa akin
 
Duon lamang ako natauhan ng marinig kong muli ang kanyang boses. Mabilis naming pinagtulungan buhatin ang walang malay na si Paolo sa kanyang sasakyan. Naka sakay ako sa likod habang nasa aking mga hita ang uluhan ni Paolo upang magbigay suporta. Samanatalang si Mr choi naman ay maagap na pinaandar ang sasakyan .
 
‘’ Ituro mo sa akin ang pinaka malapit na Ospital ‘’  kanyang pagmamando
 
Ibinigay ko kaagad ang daan patungo sa pagamutan bayan sa isla. Sa kabila ng peligrong sitwasyon ni Paolo ay di ko maiwasang hindi maalala ang ugali ni Mr Choi. Ang kanyang pang bubulyaw , ang pagiging pala utos, at pagmamando. Alam na alam mo na may angking awtoridad sa kanyang boses. Ito ang isa sa mga kanyang katangian na aking hinahangaan
 
Ilang minuto rin ang nakalipas at narating namin kaagad ang Ospital. Mabilis sumalubong sa amin ang mga doktor at mga nars at isinakay kaagad sa parihabang kama na de gulong ( stretcher ) at ipinasok kaagad si Paolo sa Emergency Room
 
‘’ Kayo po ba ang pamilya ng pasyente ? ‘’ ang tanong sa akin ng nars
 
Napailing na lamang ako. Aking ipinaliwanag sa kanila na wala ang pamilya ni Paolo rito sa isla. Ngunit kahit anong pilit kong gawin upang makapasok sa loob ay di nila ako pinayagan.
 
‘’ Pasensya na po Sir,  malapit na miyembro lamang ng pamilya ang pinahihintulatan ‘’  ang kanilang saad
 
Para akong binagsakan ng langit sa di malamang dahilan kung bakit nag kakaganuon ang kalusugan ni Paolo. Abot abot ang aking pangamba sa kung anong posibleng mangyari sa kanya. Napakuyom ang aking mga kamao sa matinding galit at pag sisii. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyaring masama sa kanya
 
Dumating si Mr. Choi na may dala dalang baso ng kape. Iniaabot niya sa akin ang isa. Parehas kaming nakaupo sa labas ng hospital. Sa ilalim ng buwan at sa malamig na simoy ng hangin.
 
‘’ Mag kape ka muna Garo, para mainitan ka ‘’ ang kanya na lamang na sabi
 
Hindi ko malaman ang dapat kong maramdaman sa muli niyang pagbabalik sa aking buhay. Matagal kong inasam ang pag kakataong ito na kami’y muling magkita. Andito sya ngayon, asa aking tabi. Naguguluminahan ang aking damdamin.
 
Ang kanyang amoy na akong hinahanap hanap. Ang kanyang mala porselanang kulay na tinatamaan ng liwanag ng buwan ay mas lalong tumitingkad. Dito ko napagtanto kung gaano ako nasasabik sa kanyang presensya
 
‘’ Kamusta na pakiramdam mo Garo ? ‘’ ang kanyang muling pagtatanong
 
Di ako makaimik. Para akong naputulan ng dila. Sa tagal naming di nagkita ay di ko na alam kung paano ako makikitungo sa kanya. Katulad ko, marami rin siyang tanong sa bigla kong pag kawala. Hindi ko alam kung handa na nga ba akong ungkatin ang aking madilim na nakaraan.
 
Ang aking kanang kamay ay napasabunot sa aking buhok samantalang ang kaliwa naman ay nakatukod sa aking hita na tumatakip sa aking mukha. Paano ako mag sisimula?
 
Katahimikan ang pumailanlang sa aming dalawa. Halos di ko maibuka ang aking bibig. Walang boses na lumalabas. Para bang may anghel na dumaan sa pagitan naming dalawa.
 
Alam kong nag aantay siya ng sagot. Pero mas pinili na lamang rin niyang manahimik upang bigyan ako ng sapat na panahon upang mag alala sa sitwasyon ni Paolo
 
Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay ni Mr Choi sa aking balikat. Madiin.
 
 
‘’ Huwag kang mag alala Garo, magiging Ok rin si Paolo ‘’ kanyang saad
 
Bigla na lamang nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan. Isang malaking misteryo sa akin ang biglang pagsulpot ni Mr Choi sa isang liblib na isla.  
Napamuglat na lamang ako sa kanyang harapan. Tinitigan ang kanyang maamong mukha.
 
‘’ Paano mong nalaman na Paolo ang kanyang pangalan ? ‘’ ang aking matiim na tanong
 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kargador Book 3 Part 9

Ang Kargador Book 3 Part 9 By : Android17                  Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ang taong nasa harapan ko ay si Danilo. Nakakatandang anak ng aking Tiyo Roberto. Paanong nangyari na hindi ko siya nakilala sa ilang oras kaming magkasama. Di ko alam kung paano ang magiging reaksiyon ko sa aking nalaman. Si Danilo at si Batang Puta ay iisa.   ‘’ Danilo…. Ikaw si Batang Puta ? ‘’   Halos mapatid ang aking hininga sa aking nalaman   Hindi siya maka tingin sa akin ng maayos. Katahimikan ang namigatan sa aming dalawa. Alam kong kahihiyan ang kanyang nararamdaman. Paano ko siya kakausapin  ?   Hinawakan ko ang kanyang balikat. Isang ngiti ang aking pinakawalan. Wala akong karapatang husgahan kung ano man ang naging desisyon ni Danilo kung bakit niya ito pinasok. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko siya pipiliting magpaliwanag kung hindi pa siya handa   ‘’ Tara, uwi na tayo ? ‘’ ang aking alo sa ...

Ang Kargador Book 3 Part 12

  Ang Kargador Book 3 Part 12 By : Android17   Nakauwi na ako siguro halos mag aalas sais na ng umaga galing sa bahay aliwan. Minabuti ko muna na hindi muna pumasok sa palengke. Binigyan ko muna ang aking sarili ng espasyo upang makapagluksa sa kanyang pagka wala.  May dumating na kamag anak ni Paolo sa isla upang iuwi ang kanyang labi sa kanilang bayan.   Ilang araw akong hindi lumabas ng aking kwarto. Kakain lamang saglit pagkatapos ay muling matutulog. Dinadalaw ako minsan ni Mr Choi upang kamustahin ngunit mas ninais ko munang mapag isa. Naiintindihan naman niya ang aking pinag daraanan kaya ni hindi siya nagtangkang mamilit sa hindi ko gustong gawin.   Lumipas ang isang linggo ay ganun pa rin ang aking sitwasyon. Humaba na ang aking buhok at kumapal na ang aking bigote. Nag mukha na akong ermitanyo sa aking gawi. Hindi na rin ako masyadong naliligo at puro tulog na lamang ang aking ginawa   Ang akala kong panandaliang espasyo ng aking pag luluksa ay ...

Ang Kargador Book 3 Part 3

  Ang Kargador Book 3 Part 3 By: Android 17   Pinag iisipan ko ang alok sa akin ni Doktor Mendoza. Nakaakit at nakakatukso kumita ng mabilisang pera. Hindi ko alam kung kaya kong sikmurain ito. Kung iisipin ay di nga naman ito naiiba sa kasalukuyan kong ginagawa. Madami na akong baklang pinagbigyan at lahat ng ito ay kusa kong binigay.l   Binigyan niya ako ng papel na nakasulat ang numero ng kanyang telepono. Pang hawakan ko raw hanggang sa maging buo ang aking pasya. Pag kaalis ko ng kanyang opisina ay dumiretso kaagad ako sa kahera upang ibayad ang tatlong libong piso na paunang bayarin sa ospital ni Paolo   Pakiramdam ko ay pasan ko ang isang mabigat na obligasyon na handa kong tanggapin sa abot ng aking makakaya. Pagkatapos mag bayad ay agad akong pumunta sa pasilyo na kung saan naroon ang kwarto ni Paolo. Pagkapasok ko ng kwarto ay kapansin pansin ang katahimilkang pumapailanlang sa loob. May kakaibang tensyon ang namumuo.   ‘’ Oh, bakit ang tahimik niyo ...