Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2021

Ang Kargador Book 3 part 5

  Ang Kargador Book 3 Part 5 By : Android17   Nakita ko si Tiyo Roberto na lumabas ng aking silid na tanging tuwalya lamang ang suot. Di ko maiwasang hindi mag tikis ang aking damdamin. Kakaibang galit ang aking nadarama sa aking nasaksihan. Para akong sinasaksak ng punyal sa aking kaliwang dibdib ng maraming beses.   Unti unti akong lumakad papunta sa aking kwarto   Mabigat ang aking mga hakbang   Kumakabog ang aking dibdib   Nanlalamig ang buo kong katawan.   Ang isipin ko na may nangyari sa kanila ni Tiyo ay labis ang nararamdaman kong pagka puot. Ginawa niya na ito sa akin nung nasa maynila ako. Hindi pa ba ako sapat? Mali ba ang aking desisyon ? Maraming tanong ang pumupukol sa aking isipan.   Nanginginig ang aking kamay habang unti unti kong binubuksan ang pinto. Napatda na lamang ako sa aking nasaksihan.   Si Mr Choi. Nakahiga sa kama habang malakas ang kanyang pag hilik. Mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Nagulat na lamang ako ng biglang may tumapik sa aking balikat   ‘’ Ho

Ang Kargador Book 3 Part 4

  Ang Kargador Book 3 Part 4 By: Android17   Nakaalis na ako pasado alas nuwebe na ng gabi. Malaking halaga ang kinita ko bilang isang modelo sa harapan ng mga residenteng doktor. Agad ko itong ibinayad sa ospital sa nakalipas na araw na itinakbo sa pamamalagi ni Paolo rito. Masyadong mabigat para sa akin na karguhin ang responsibilidad pero tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya.   Hapong hapo ang buo kong katawan mula sa maghapon na trabaho hanggang sa pagbabantay sa hospital papunta sa extrang trabaho. Ramdam ko ang kakaibang pagod. Kahit ba may usapan kami na magkikita ni Mr Choi ay halos di ko na magawa. Ang aking pangungulila sa kanya ay mas lalong tumitindi.   Mag isa kong tinahak ang madilim na daan sa ilalim ng liwanag ng buwan pauwi kila Tiyo. Ganitong oras ay halos tulog na ang mga tao rito sa probinsya. Kaunting sasakyan lamang ang nagdaraan sa kalsada kaya halos abutin na ako ng siyam siyam makauwi lang sa bahay.   Pasado alas diyes ng gabi ng marating ko ang kant