Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2021

Ang Kargador Book 2 Part 15

  Ang Kargador Book 2 Part 15 By: Android17    Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa kanyang tanong. Katahimikan ang pumailanlang. Nakahiga pa rin si Paolo sa aking dibdib. Malalim ang kanyang buntong hiniga. Puno ng tensyon ang paligid. Isang matinding asiwa ang namagitan sa aming dalawa   ‘’ Ayos ka lang dyan Garo ? ‘’ kanyang saad   Di ako makaimik. Para akong naputulan ng dila. Paano ko sasagutin ang kanyang tanong kung hindi ako sigurado sa kung ano ang aking nadarama. Kita niya ang malalim kong pag iisip   ‘’ Hoy tulala ka dyan, nag bibiro lang ako ano ! ‘’ ang kanyang mahinang saad   Gusto ko man maniwala na biro lamang iyon pero ang kanyang mga kilos ay iba ang pahiwatig. Di ako sanay na makatanggap ng ganung pagtatapat. Lumuwag ang kanyang pagkakayakap sa akin at nagsimulang bumangon sa kanyang pagkakahiga. Kinuha ang kanyang suot na shorts at lumakad papalabas ng silid   ‘’ Mag linis lang ako saglit ha ? ‘’   Naiwan akong nakatulala. Tinatanaw ang mabigat niyang lakad pala

Ang Kargador Book 2 Part 14

  Ang Kargador Book 2 Part 14 By: Android17   Wala akong makita kung hindi liwanag. Puti ang kapaligiran. Tanging anino lamang ang aking natatanaw. Nasa langit na ba ako ? Naguguluminahan ako sa mga nangyayari.   Ang tanging huling memorya ko ay tinamaan ako ng bala ng baril. Bumagsak sa kalsada ng hubo ’t hubad. Naliligo sa sarili kong dugo. Pilit kong kinukuha ang aking paningin. Nilinga ang kapaligiran.   Kapansin pansin ang tahimik na kapaligiran. Tanging puting dingding lamang ang aking nakikita. May isang tukador at isang kama. Paano ako napunta rito? Pilit akong tumayo sa aking kinahihigaan ngunit dama ko pa rin ang sakit ng aking katawan. Dito ko lamang napansin na nakabenda ang aking buong kaliwang dibdib hanggang sa aking braso.   ‘’ Arghhhhhhhh ‘’ impit kong hinaing sa sakit   Yung sakit ay halos gumagapang sa buo kong katawan. Kumikirot kirot. Dito ko lamang napansin na wala rin akong suot na kahit ano. Hubad baro pa rin pala ako. Napansin ko na medyo mamasa masa ang akin