Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2022

Ang Kargador Book 3 Part 13

  Ang Kargador Book 3 Part 13 By : Android17     Lumipas ang ilang buwan simula ng mamatay si Paolo. Kahit mahirap ay kailangan pa rin mag patuloy ang buhay. Hanggang ngayon ay nanatiling misteryo pa rin ang kanyang pag kawala. Ang sabi lamang ng doktor ay matagal na siyang may malubhang sakit. Ang huling taong nakausap niya ay si Mr Choi.     Ito ang unang araw na bumalik ako papasok sa palengke. May mga pinong bigote pa rin ang naiwan sa taas ng aking labi. Hindi naman ito masyadong makapal, tamang tama lamang sa brusko kong pormahan. Mahaba haba na rin ang aking buhok kaya kailangan ko na rin ito itali gamit ang goma para hindi tumama sa aking mukha.   Gustong gusto naman ni Mr Choi ang bago kong anyo. Mas mukha daw akong naging simpatiko kesa dati. Maginoo ngunit medyo bastos ika nga niya.   Ang buong atensyon ko ay palaging nasa kanya. Siya ang tumulong sa akin upang maka ahon sa lugmok simula ng mawala si Paolo. Mas lalo kaming mas naging malapit sa isa’t isa. Araw araw palagi si