Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2021

Ang Kargador Book 3 Part 9

Ang Kargador Book 3 Part 9 By : Android17                  Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ang taong nasa harapan ko ay si Danilo. Nakakatandang anak ng aking Tiyo Roberto. Paanong nangyari na hindi ko siya nakilala sa ilang oras kaming magkasama. Di ko alam kung paano ang magiging reaksiyon ko sa aking nalaman. Si Danilo at si Batang Puta ay iisa.   ‘’ Danilo…. Ikaw si Batang Puta ? ‘’   Halos mapatid ang aking hininga sa aking nalaman   Hindi siya maka tingin sa akin ng maayos. Katahimikan ang namigatan sa aming dalawa. Alam kong kahihiyan ang kanyang nararamdaman. Paano ko siya kakausapin  ?   Hinawakan ko ang kanyang balikat. Isang ngiti ang aking pinakawalan. Wala akong karapatang husgahan kung ano man ang naging desisyon ni Danilo kung bakit niya ito pinasok. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko siya pipiliting magpaliwanag kung hindi pa siya handa   ‘’ Tara, uwi na tayo ? ‘’ ang aking alo sa kanya   Sabay naming tinahak ang daan pauwi sa bahay.   Pinauna ko muna si Da