Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2021

Ang Kargador Book 3 Part 7

  Ang Kargador Book 3 Part 7 By : Android17   Dalawang buwan na ang nakakalipas ng simulang na ospital si Paolo. Nakarinig ako ng magandang balita kahapon na makakalabas na itong darating na lunes. Kahit ba hindi pa lubusang magaling ay pinahintulatan na siya ng doktor na maka uwi sa bahay at duon na lamang mag pagaling.   Ang pinoproblema ko na lamang ay kung pano ko babayaran ang mga bayarin sa ospital.   Gusto ko mang humingi ng tulong kay Mr Choi ay kasalakuyan itong lumawas panandalian ng maynila. May ilang bagay lamang siyang aasikasuhin at babalik rin daw siya sa makalawa. Aabutin ng higit labing limang libong piso ang bayarin at di ko malaman kung saan ito kukuhanin.   Kahit ba galawin ko ang kaunti kong ipon ay di ito sasapat. May apat na araw pa akong  palugit bago dumating ang takdang araw ng kanyang paglabas. Saan ko hahagilapin ang ganuong kalaking halagang pera?   Gumising ako bandang alas tres ng madaling araw at maagang gumayak papunta sa palengke. Kahit ba maliit ang