Skip to main content

Posts

Showing posts from 2021

Ang Kargador Book 3 Part 12

  Ang Kargador Book 3 Part 12 By : Android17   Nakauwi na ako siguro halos mag aalas sais na ng umaga galing sa bahay aliwan. Minabuti ko muna na hindi muna pumasok sa palengke. Binigyan ko muna ang aking sarili ng espasyo upang makapagluksa sa kanyang pagka wala.  May dumating na kamag anak ni Paolo sa isla upang iuwi ang kanyang labi sa kanilang bayan.   Ilang araw akong hindi lumabas ng aking kwarto. Kakain lamang saglit pagkatapos ay muling matutulog. Dinadalaw ako minsan ni Mr Choi upang kamustahin ngunit mas ninais ko munang mapag isa. Naiintindihan naman niya ang aking pinag daraanan kaya ni hindi siya nagtangkang mamilit sa hindi ko gustong gawin.   Lumipas ang isang linggo ay ganun pa rin ang aking sitwasyon. Humaba na ang aking buhok at kumapal na ang aking bigote. Nag mukha na akong ermitanyo sa aking gawi. Hindi na rin ako masyadong naliligo at puro tulog na lamang ang aking ginawa   Ang akala kong panandaliang espasyo ng aking pag luluksa ay tumagal. Ang araw ay naging i